Nagpahayag ng kritisismo si VP Sara Duterte laban sa ilang grupo at sa administrasyon ni Pangueong Ferdinand Marcos Jr. dahil umano sa pananahimik at kawalan ng agarang aksyon kaugnay sa mga paratang ng suhulan na inilantad ng mga indibidwal na nagpakilalang dating sundalo at security personnel ng dating kongresista na si Zaldy Co.
Pinuri rin ng bise presidente ang umano’y katapangan ng mga naglabas ng alegasyon tungkol sa sinasabing korapsyon, habang iginiit na dapat ding siyasatin ang mga paratang na may kinalaman sa bilyong pisong suhol na inuugnay sa flood control projects, isyu sa International Criminal Court, at mga hakbang para sa impeachment laban sa kanya.
Samantala, nauna nang itinanggi ng Malacañang ang naturang mga alegasyon at tinawag itong hindi kapani-paniwala. Ayon naman sa National Bureau of Investigation, sisiyasatin nila ang kredibilidad ng 18 indibidwal at ang ebidensyang kanilang inilatag.













