-- ADVERTISEMENT --

Puri, India — Tatlo ang nasawi at mahigit sa isang dosena ang dinala sa ospital matapos ang biglaang pagdagsa ng mga tao sa isang tanyag na Hindu festival sa Puri, Odisha, India.

Ayon kay Siddharth Shankar Swain, pangunahing opisyal ng gobyerno sa Puri, nagkaroon aniya ng biglaang siksikan ng mga tao habang sinisikap na makita ng mga deboto ang mga diyos-diyosan sa kanilang mga karosa.

Labing limang katao ang dinala sa pagamutan kung saan, tatlo ang binawian ng buhay.

Libu-libong deboto ang nagtipon sa coastal town upang makibahagi sa “Rath Yatra” o chariot festival, isa sa pinakamatanda at pinakamalaking relihiyosong prusisyon sa mundo.

Ang festival ay nagtatampok ng mga diyos-diyosan na ipinapalabas mula sa templo at inilalagay sa mga makulay na karosa.

-- ADVERTISEMENT --

Tinawag naman ni Naveen Patnaik, dating opisyal ng Odisha, ang insidente bilang  “stampede” at binatikos ang kakulangan ng mga opisyal na mapanatili ang kaayusan.

Ipinag-utos rin ni Mohan Charan Majhi, kasalukuyang opisyal ng Odisha ang agarang imbestigasyon sa insidente at nangakong magkakaroon ng konkretong aksyon laban sa mga responsable.