KALIBO, Aklan—Opisyal ng umupo bilang bagong tagapagsalita ng Police Regional Office 6 (PRO-6) si Police Major Lailyn Sencil, epektibo, araw ng Lunes, Hunyo 30, 2025.
Si Police Major Sencil ang humalili kay P/Lt.Col. Arnel Solis, na umupo sa nasabing posisyon sa loob ng isang taon at tatlong buwan.
Dating nagsilbi si Sencil bilang hepe ng Plans Section sa ilalim ng Regional Plans and Strategy Management Division.
Nakapasok siya sa Philippine National Police noong 2003 bilang Police Officer 1.
Nagtapos ito sa kursong AB Broadcast Communication Management mula sa University of the Philippines Visayas at nakomisyon noong 2012 sa pamamagitan ng lateral entry.
Ang 44 anyos na si Sencil ay tubong Anilao, Iloilo at kasalukuyang naninirahan sa Sta. Barbara, Iloilo.
Samantala, inihayag ni P/Lt.Col. Solis, ang kaniyang paglipat sa Iloilo Police Provincial Office ay maituring na career advancement.
Aniya, masaya ito sa pag-iwan sa kaniyang posisyon dahil sa kaniyang pag-upo bilang tagapagsalita ng PRO-6 ay lubos nitong nahawakan ang kaniyang tungkulin.
Pinasalamatan din niya ang media sa pagkaroon ng maayos na partnership bagay na naiparating ng PRO-6 ang kanilang mga accomplishments, programa at iba pang mga impormasyon na kailangang malaman ng publiko.