-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Matapos ang ginawang panggagahasa sa kanyang sariling anak na noon ay 13-anyos pa naaresto ng pulisya ang 34 anyos na ama sa Alalasan, Lapuz, Zone 3, Iloilo City noong nakaraang linggo.

Nakilala ang akusado na si alyas Jhonver, residente ng pabahay sa Brgy. Briones, Kalibo.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay P/Lt. Arnold Tejada, investigation head ng Kalibo Municipal Police Station, ikinasa ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Maria Fe Macabales Taal, Assisting Judge, RTC 6, Branch 3, Kalibo, Aklan na may petsang Hunyo 26, 2025 para sa kasong statutory rape laban sa akusado.

Nagawa umanong gahasain ng ama ang anak sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Briones, Kalibo noong Pebrero 2022.

Napansin ng ina na may kakaiba sa ikinikilos ng kanyang anak na sa kanyang pag-usisa ay inamin nito ang pang-aabuso sa kanya ng sariling ama.

Dahil dito, dumulog sila sa Kalibo MPS at nagsampa ng kaso laban sa akusado.

Walang itinakdang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng ama na kasalukuyang nakapiit sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).