-- ADVERTISEMENT --

LAS VEGAS — Nabigo si Manny Pacquiao na makuha ang WBC welterweight title matapos magtabla ang laban kontra kay Mario Barrios sa score na 115-113, 114-114, 114-114.

Sa edad na 46, muntik nang maging pinakamatandang kampeon si Pacquiao, na sinabing “I thought I won the fight.”

Maraming eksperto ang pumabor kay Pacquiao, ngunit nanaig si Barrios sa huling rounds.

Bukas ang parehong kampo sa rematch habang patuloy si Pacquiao sa kanyang pagbabalik sa boxing.