Nagpdumdom ro Bureau of Fire Protection o BFP sa publiko na iwasan ang magpapasok sa sa kanilang mga tahanan ng mga indibidwal o grupo na nag-aalok ng kahit anong posibleng gumawa ng problema sa huling mga araw.
Ito ay kasunod ng napabalitang may mga indibiwal na naglilibo-libot sa bayan ng Banga na sinasabing inspector umano ng liquified petroleum products o LPG.
Ayon kay SFO2 Refrey Refendor, Acting Municipal Fire Marshal ng BFP Banga, wala silang ini-otorisang mag-inspection o magbenta ng LPG sa halip ay sinusuri nila ang mga naglalakad ng requirements sa kanilang tanggapan para makakuha ng permit para sa negosyo o mayor’s permit.
Dagdag pa ni Refendor na bago sila mag-inspection sa mga tahanan man o establisyimento hay tinitiyak nila na nakauniporme ang mga personnel at nag-abiso sila sa barangay council.
Sa kabila nito, para malikawan ro anumang insidente ng sunog ay tiyaking sa lehitimong establisyento o mga dealer ng LPG bumuli.
Tiyakin ding maayos ang paglagay nito sa mga burner at isarado kung hindi ginagamit.
maliban dito, maging responsable sa mga kagamitan lalo na sa mga appliances bago iwanan ang bahay para sa kaligtasan ng ari-arian at miyembro ng pamilya.