-- ADVERTISEMENT --

Nagsampa si Senador Jinggoy Estrada ng pormal na kaso laban sa dating Assistant District Engineer ng Unang Distrito ng Bulacan na si Brice Hernandez sa Quezon City Prosecutor’s Office, umaga ng Martes, Oktubre 7 matapos ang mga paratang nito na may kaugnayan umano si Estrada sa iregularidad sa mga flood control projects.

Matatandaang noong nakaraang buwan, inakusahan ni Hernandez si Estrada sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na sangkot sa kontrobersiyal na mga proyekto ng DPWH, bagay na mariing itinanggi naman ng senador.

Sinabi ni Estrada na walang basehan ang alegasyon na siya ay naglaan ng P355 milyon para sa mga infrastructure project sa Bulacan, dahil aniya, anumang line item sa General Appropriations Act ay maaaring maiugnay sa sinumang senador.

-- ADVERTISEMENT --