-- ADVERTISEMENT --
Inilunsad ng FDA ang bagong virtual verification portal upang mas madaling masuri ng publiko kung rehistrado at lisensyado ang mga gamot, pagkain, cosmetics, at health establishments. Ang portal ay may consolidated search, voice search, mobile-friendly interface, at cloud-based system para sa seguridad ng mga dokumento.
Pinapayuhan ang publiko na i-report ang kahina-hinalang produkto at establisimyento sa pamamagitan ng email o “eSumbong” feature. Nakipag-ugnayan din ang FDA sa mga e-commerce platforms na nagresulta sa 72% take-down rate ng unregistered products.
Hinihikayat ang mamimili na suriin ang label ng produkto at huwag basta maniwala sa claim na “FDA-approved” nang walang tamang pagsusuri.













