Naghain ng petisyon para makapaglagak ng piyansa ang kontratistang si Sarah Discaya at Roma Rimando, executive officer ng St. Timothy Construction, para sa kasong malversation of public funds na walang inirerekomendang piyansa.
Ang St. Timothy Construction na pagmamay-arti rin ng mga Discaya ang ikatlo sa listahan ng contractors na nakapagbulsa ng bilyun-bilyong halaga ng flood control projects ng gobyerno.
Kinumpirma ni Atty. Cornelio Samaniego na inihain ang petition for bail sa Lapu-Lapu City Regional Trial Court (RTC) Branch 27.
Matatandaan, nauna nang kinasuhan ng Office of the Ombudsman si Discaya at iba pa ng kasong malversation at graft may kaugnayan sa P96.5 million ghost flood control project sa Davao Occidental.
Kapwa naman nag-plead ng not guilty sina Discaya at Rimando sa mga kaso laban sa kanila.
Sa kasalukuyan, parehong nakadetine ang dalawa sa Lapu-Lapu City Jail.













