KALIBO, Aklan — Handa ang Asosayson ng Boracay Ati Tribal Organization (ABATO) na ipaglaban ang lupang iginawad sa kanila ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa pamamagitan ng Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) sa panahon ng administrasyong Duterte.
Ito ay makaraang bakuran ng private developer ang bahagi ng ari-arian sa kabila ng nagpapatuloy na legal battle hinggil sa pagmamay-ari nito.
Ayon kay Maria Tamboon, livelihood coordinator ng naturang asosasyon na nagulat na lamang sila ng isinara ang CLOA 5, isa sa limang parsela na ibinigay sa kanila, at hindi pinapasok ang kanilang mga miyembro upang mag-alaga sana ng kanilang mga pananim sa loob ng property.
Maliban dito, naglagay pa ng malaking tarpaulin sa lugar na nagpapakita ng kopya ng Notice of Order na may petsang Enero 29, 2024.
Aniya, wala pa silang natanggap na finality of judgement, notice to vacate, writ of execution at writ of demolition sa kanilang inihaing motion for reconsideration laban sa ipinalabas na Notice of Order ng DAR.
Maitutuing umanong illegal ang pagpasok ng mga security guards dahil wala pang pinal na desisyon ang korte sa mosyon na inihain ng kanilang abogado.
Sa kabilang daku, sinabi ni Atty. Daniel Dinopol, legal counsel ng ABATO na ang panyayari ay isang patuloy na paglabag sa mga karapatan ng katutubong Aeta at hindi pagsunod sa rule of law.
Dagdag pa nito na handa ang grupo na dalhin ang kaso ng pagkansela ng CLOA hanggang sa Supreme Court kung kinakailangan.













