Pinag-aaralan ng Department of Agriculture ang paghingi ng karagdagang pondo mula sa Presidential Assistance to Farmers and Fisherfolk upang palakasin ang fuel subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East.
Tinatayang may P10 bilyong pondo mula sa programa na maaaring gamitin, habang isinasaalang-alang din ang natitirang fuel subsidy funds sa Development Bank of the Philippines.
Sa ilalim ng programa, makatatanggap ng P5,000 ang bawat kwalipikadong magsasaka at P3,000 ang bawat kwalipikadong mangingisda, na inaasahang sisimulang ipamahagi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa susunod na linggo.
Samantala, nakapagtala ang DA ng humigit-kumulang 10% pagtaas ng presyo ng ilang produkto tulad ng galunggong at pork sa ilang pamilihan at nagbabala laban sa profiteering at hoarding sa gitna ng krisis sa presyo ng langis.













