-- ADVERTISEMENT --
Naputol ang siyam na sunod na panalo ng Los Angeles Lakers matapos silang mabigo, 113-110, kontra Detroit Pistons sa isang dikitang laban.
Nabigo si Luka Dončić na maipasok ang tres sa buzzer na sana’y magtatabla ng iskor, matapos ma-deflect ang inbound pass ni LeBron James. Nanguna si Dončić sa Lakers na may 32 puntos ngunit pumalya sa mahahalagang tira sa huling sandali.
Pinangunahan ni Daniss Jenkins ang Pistons sa kanyang 30 puntos upang makuha ang panalo, kahit wala si Cade Cunningham.
Sa kabila ng pagkatalo, nananatiling nasa ikatlong puwesto sa Western Conference ang Lakers at itinuturing pa ring malakas na contender sa playoffs.













