-- ADVERTISEMENT --

Tumindi ang opensiba ng Israel sa Lebanon, na umabot sa Beirut at katimugang bahagi ng bansa, kabilang ang mga lugar na hindi kontrolado ng Hezbollah.

Ilang sibilyan at health worker ang nasawi matapos tamaan ang mga residential area at pasilidad, habang patuloy ang pag-atake sa mga target na sinasabing may kaugnayan sa Hezbollah.

Kasabay nito, umatras ang hukbo ng Lebanon sa ilang bahagi ng timog habang nagpapatuloy ang operasyon ng Israel, na nagdulot ng malawakang paglikas at pagkasira ng imprastraktura.

Plano ng Israel na magtatag ng buffer zone sa southern Lebanon, sa gitna ng batikos mula sa international community.

Sa pinakahuling datos, mahigit 1,200 na ang nasawi at higit isang milyong katao ang lumikas dahil sa labanan.

-- ADVERTISEMENT --