-- ADVERTISEMENT --

Nanatiling matatag ang suplay ng bigas sa bansa sa kabila ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, ayon sa Department of Agriculture.

Tiniyak ng ahensya na sapat ang suplay para sa buong taon dahil sa inaasahang magandang ani ng palay at tuloy-tuloy na importasyon mula sa mga pangunahing exporter. Itinuturing na worst-case scenario ang posibleng 20 porsiyentong pagbaba ng produksyon dulot ng tensyon sa Middle East at pagtaas ng gastos sa langis at pataba.

Nagpatupad na rin ng mga hakbang ang pamahalaan upang mapanatili ang food security, kabilang ang subsidiya, tulong-pinansyal, at dagdag na pondo para sa agrikultura, pati na suportang logistikal sa mga lokal na prodyuser.

Tiniyak din ang sapat na suplay ng murang bigas sa ilalim ng programang ‘Benteng Bigas Meron Na’.