-- ADVERTISEMENT --

Pinag-aaralan ng Department of Agriculture (DA) ang posibleng pagpapataas ng fish importation upang matiyak ang sapat na suplay ng isda sa bansa sa gitna ng banta ng paghinto ng operasyon ng sektor ng pangingisda dulot ng pagtaas ng presyo ng krudo.

Nauna nang naglabas ng sertipikasyon ang National Fisheries and Aquatic Resources Management Council para sa pag-angkat ng 250,000 metriko toneladang isda, ngunit maaari pa itong tumaas depende sa demand at epekto ng tensyon sa Middle East.

Posibleng umabot sa 300,000 hanggang 350,000 metriko tonelada ang kakailanganing importasyon kung magpapatuloy ang kakulangan sa suplay, kabilang na ang isyu sa pagbaba ng tuna sa General Santos City.

Layunin ng hakbang na punan ang kakulangan sa merkado, habang nananatiling hindi pa pinal ang desisyon at patuloy ang monitoring ng pamahalaan sa suplay at operasyon ng industriya ng pangingisda.