-- ADVERTISEMENT --

Inilunsad ng World Vision ang programang Bawat Batang Pinoy Malusog (BBPM) sa ilang lalawigan sa bansa upang tugunan ang gutom at malnutrisyon ng mga bata.

Sakop ng programa ang Albay, Camarines Sur, Sorsogon, Antique, Leyte, Samar, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Layunin ng BBPM na itaguyod ang wastong paglaki ng bata sa pamamagitan ng nutrisyon, kalinisan, sanitasyon, at paggabay sa mga magulang.

Ayon sa World Vision, bahagi ito ng kampanyang ENOUGH na nagsusulong ng sapat na pagkain at suporta para sa bawat bata.

Mahigit 15,000 indibidwal na ang natulungan ng programa mula nang ilunsad ito.

-- ADVERTISEMENT --

Batay sa ulat ng Social Weather Stations, 20.1 porsiyento ng pamilyang Pilipino ang nakaranas ng involuntary hunger noong Nobyembre 2025.