Nangangamba si dating senador Antonio Trillanes IV sa pagbabago ng liderato sa Senado kung saan, itinalaga bilang bagong senate president si Sen. Alan Peter Cayetano.
Sa panayam nga Bombo Radyo sa dating senador, ipinahayag niya ang kanyang pag-alala dahil alam nya umanong walang gagawing maganda ang Cayetano Leadership.
Mamani-ubrahin lamang umano nito ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte para hindi na matuloy at tuluyan na itong maibasura.
Samantala, ipinahayag din niya na ang warrant of arrest mula sa International Criminal Court laban kay Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ay isang ‘sealed warrant’ o hindi isinasapublikong warrant of arrest para sa mabilis na pagdakip sa akusado.
Dagdag pa rito, pinatotohanan rin niya na ang naturang warrant ay in-issue noon pang November 2025, kung saan una na itong inanunyso ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla, na naging dahilan rin nang pagtatago ng senador.
Aniya, tinanggap lamang umano niya ang hamon ng senador na samahan ang mga aaresto dito kaya personal niya itong pinuntahan sa Senado ngunit tumanggi naman itong magpa-aresto ag nakipag-habulan pa sa mga tauhan ng National Bureau of Investiagion (NBI).
Paglilinaw pa ni Trillanes na may hawak nang kopya ng warrant of arrest ang NBI bago paman ang nangyaring habulan.
Saad pa nito, na kahit protektado ng Senado si Sen. Dela Rosa ay malaki parin ang posibilidad na maaaresto ito at madadala sa The Hague para sa kaukulang paglilitis.













