-- ADVERTISEMENT --
LIBACAO, Aklan — Sugatan ang isang 16-anyos na binatilyo matapos masaksak sa likod sa kasagsagan ng isang sayawan sa Barangay Pinonoy, Libacao, madaling araw ng Miyerkules, Oktubre 28.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Libacao Municipal Police Station na nangyari ang insidente matapos na magkaroon ng gulo sa loob ng sayawan.
Agad na isinugod sa Libacao Infirmary ang biktima subalit inilipat sa isang ospital sa Kalibo para sa karagdagang medikasyon.
Naaresto naman ng pulisya ang 34-anyos na suspek na kasalukuyang nakakulong sa detention facility ng Libacao MPS.
Ang biktima at suspek ay kapwa residente ng naturang lugar.
-- ADVERTISEMENT --
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.













