-- ADVERTISEMENT --

Pinayuhan ni Education Secretary Sonny Angara ang mga paaralan na gamitin ang bahagi ng kanilang maintenance funds upang makabili ng mga electric fan bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng Super El Niño.

Ayon kay Angara, maaaring gamitin ang bahagi ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng mga paaralan para sa pagbili ng electric fan na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱2,000, depende sa modelo.

Ibinahagi niya ito noong Miyerkules, Oktubre 28, matapos ang pagbisita sa Lakan Dula High School sa Tondo, Maynila.

Dagdag pa ng kalihim, maaari ring maglaan ang pamahalaan ng karagdagang pondo upang matulungan ang mga paaralan na makabili ng mga electric fan.