BORACAY Island — Malaki ang naging ambag ng mga lokal na turista sa paglago ng turismo sa isla ng Boracay matapos makapagtala ng 9 porsiyentong pagtaas sa bilang ng mga bisita noong Oktubre 2026.
Batay sa datos ng Malay-Boracay Tourism Office, umabot sa 164,225 turista ang bumisita sa isla, mas mataas kumpara sa 150,665 na naitala noong Oktubre 2025.
Sa kabuuang bilang, 140,722 ang mga Pilipinong turista, 22,126 ang dayuhang bisita, habang 1,377 naman ang mga overseas Filipino at overseas Filipino workers (OFWs).
Nakatulong umano sa pagdami ng mga lokal na turista ang mahahabang weekend, abot-kayang pamasahe sa eroplano at mga corporate retreat.
Inaasahan namang lalo pang dadami ang mga bisita mula Nobyembre hanggang Enero dahil sa nalalapit na Kapaskuhan at Bagong Taon.
Dahil dito, inaasahang tataas din ang occupancy ng mga hotel at kikita nang mas malaki ang mga negosyo tulad ng mga restaurant, water sports operators at mga tindahan sa isla.











