Naging makasaysayan ang 2026 midterm elections sa Estados Unidos matapos mahalal ang ilang kandidato na unang makakaupo sa mataas na posisyon sa gobyerno mula sa iba’t ibang lahi, relihiyon at sektor.
Kabilang sa mga makasaysayang tagumpay ang pagkahalal kay Deb Haaland bilang kauna-unahang babaeng Native American na gobernador ng New Mexico at kay Keisha Lance Bottoms bilang unang babaeng Black na gobernador ng Georgia.
Naitala rin ang unang babaeng Native American na senador sa katauhan ni Peggy Flanagan ng Minnesota, habang si Chris Pappas naman ang kauna-unahang hayagang gay na nahalal sa US Senate.
Naidagdag din si Abdul El-Sayed bilang unang Muslim na senador sa bansa.
Samantala, naging makasaysayan din ang bilang ng mga babaeng kandidato na tumakbo sa mga posisyon sa estado at pederal na pamahalaan.
Ipinapakita ng mga tagumpay na ito ang lumalawak na representasyon ng iba’t ibang sektor sa politika ng Amerika.













