-- ADVERTISEMENT --
Nagsagawa ng espesyal na wellness-themed activity ang Mr. Philippines sa isla ng Boracay upang itampok ang likas na ganda ng isla at higit pang isulong ang turismo nito.
Isa sa mga tampok ng kanilang pagbisita ang pagtamasa sa tanyag na sunset ng Boracay, na nagbigay ng di-malilimutang karanasan sa grupo.
Sinuportahan naman ng mga lokal na awtoridad sa turismo ang aktibidad bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong sa Boracay bilang isa sa mga pangunahing destinasyong panturismo sa Pilipinas.
Layunin ng pagbisita na pagsamahin ang wellness at turismo habang ipinakikilala sa mas malawak na publiko ang kagandahan at mga natatanging karanasan sa isla.













