-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Nakapagtala ang Isla ng Boracay ng 94,527 tourist arrivals mula Nobyembre 1 hanggang 15, batay sa datos ng Malay Municipal Tourism Office.

Mas mataas ito ng 35 porsiyento kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon kay Kathrine Licerio, Administrative Officer ng Malay-Boracay Tourism Office, nagpapakita ang datos ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga turistang bumisita sa isla.

Samantala, dagdag pa niya, tatlo pang cruise ships ang inaasahang bibisita sa Boracay bago matapos ang taon, kabilang ang overnight visit na nakatakda sa Nobyembre 23 hanggang 24.

Samantala, pinaalalahanan ni Licerio ang publiko na maging mapagmatyag sa mga online transaction at tiyaking magpa-verify sa Municipal Tourism Office upang maiwasan ang mga scam.

-- ADVERTISEMENT --