-- ADVERTISEMENT --

TANGALAN, Aklan — Bumaligtad ang isang itim na Toyota Wigo matapos bumangga sa bumper ng isang Fuso truck sa Tondog–Tagas Bypass Road, Barangay Tagas, Tangalan, Aklan, dakong alas-12:28 ng tanghali nitong Huwebes, Nobyembre 26, 2026.

Ayon kay Police Major Jayson Mausig, OIC ng Tangalan Municipal Police Station, nag-overtake umano sa kanang bahagi ng truck ang 30-anyos na driver ng Wigo sa isang kurbadang bahagi ng kalsada.

Dahil dito, nabangga ng Wigo ang bumper ng truck, nawalan ng kontrol ang driver, tumagilid at tuluyang bumaligtad ang sasakyan.

Kasama ng driver ang kaniyang 33-anyos na asawa at isang taong gulang na anak na lalaki. Sa paunang ulat, wala umanong nasaktan sa insidente.

Minamaneho naman ng 52-anyos na residente ng Balete, Aklan ang truck na bumibiyahe patungong Caticlan, Malay.

-- ADVERTISEMENT --