-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Kinumpirma ng Aklan Police Provincial Office (APPO) na activated na ang “PNP Services” mobile application matapos itong ilunsad ng Philippine National Police kamakailan.

Ayon kay P/MSgt. Jane Vega, tagapagsalita ng APPO na layunin nito na gawing mas accessible ang mga serbisyo ng mga pulis para sa publiko.

-- ADVERTISEMENT --

Ito ay available para sa mga Android user at maaaring ma-download sa Google Play Store.

Ipinaliwanag ni Vega na sa pamamagitan ng app, maaaring ma-access ng publiko ang iba’t-ibang  serbisyo ng PNP kagaya ng pagproseso ng License to Own and Possess Firearm (LOPF), pagkuha ng  police clearance, at pagsubaybay sa Pulis News Network.

Naka-integrate rin umano dito ang e-Sumbong system, emergency hotline 911, at mga opisyal na social media accounts at websites ng mga unit ng PNP.

Dagdag pa nito na ang naturang app ay ginawa ng PNP Communication Electronics Services at sinimulan ngayong Hunyo.

Balak din umano itong isama sa eGov app ng gobyerno bilang bahagi ng digital transformation ng mga frontline service.

Kasabay nito, hinikayat ng Aklan PPO ang publiko na i-download ang app at gamitin para sa mga pangangailangan kagaya ng serbisyo ng pulisya.