-- ADVERTISEMENT --

Napatigil ang operasyon ng dalawang pangunahing planta ng bakal sa Iran matapos ang airstrike ng Estados Unidos at Israel, na inaasahang magdudulot ng malaking epekto sa ekonomiya at suplay ng bakal sa bansa.

Tinatayang aabutin ng hanggang isang taon bago makarekober ang mga planta, habang patuloy na lumalawak ang target ng mga pag-atake sa iba’t ibang imprastraktura at pasilidad. Kasabay nito, nagpapatuloy ang tensyon at palitan ng missile at drone attacks sa rehiyon, na nagdudulot ng pinsala at pagkasawi.

Nanatiling limitado ang daloy ng impormasyon mula sa Iran dahil sa nagpapatuloy na internet blackout.