Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na umalis na sa Czech Republic ang puganteng dating mambabatas na si Zaldy Co at pinaniniwalaang nasa loob pa rin ng Schengen area.
Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, bumiyahe si Co sa pamamagitan ng lupa at natukoy na rin ang sasakyang ginamit. Gumagamit umano siya ng expired na Philippine passport ngunit may bisa pa ring Schengen visa.
Nahihirapan ang Pilipinas na makakuha ng dagdag na impormasyon mula sa Czech authorities dahil sa mahigpit na batas ng European Union sa data privacy at Schengen rules.
Kinumpirma rin ng DOJ na kasama ni Co sa paglalakbay ang kanyang anak na si Michael at isang Pilipinong driver.
Umaasa ngayon ang pamahalaan na makakuha ng Interpol red notice laban kay Co upang mapadali ang kanyang pag-aresto sa ibang bansa. Naipaalam na rin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pinakabagong development sa kaso.













