-- ADVERTISEMENT --

Magpapatuloy ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal at kawani na sangkot umano sa anomalya sa mga proyektong flood control. Ayon kay DPWH Sec. Vince Dizon, ihahain ang mga reklamo sa Office of the Ombudsman, na siyang mag-aanunsyo ng mga detalye ng kaso.

Mahigit 40 katao, kabilang ang hindi bababa sa 20 opisyal at empleyado ng DPWH, ang nahaharap sa kasong graft at korapsyon kaugnay ng mga kuwestiyunableng proyekto.

Samantala, nagsasagawa ng pansamantalang pagkukumpuni ang DPWH sa Maharlika Highway mula Luzon hanggang Mindanao upang mapadali ang biyahe ng mga motorista bago ang Holy Week. Mas malawak na rehabilitasyon ang sisimulan matapos ang Semana Santa sa mga lalawigan ng Quezon Province, Camarines Sur, Albay, Samar at Bicol Region, na target matapos sa Hunyo 2027.