Lumalala ang tensyon sa Gitnang Silangan matapos ipahayag ng Islamic Revolutionary Guard Corps ng Iran na kaya nitong makipaglaban sa Estados Unidos at Israel nang hanggang anim na buwan sa gitna ng nagpapatuloy na digmaan.
Pumasok na sa ikalawang linggo ang labanan habang lumalawak ang epekto nito sa rehiyon. Hinarang ng Saudi Arabia ang mga drone na patungo sa Riyadh, habang iniulat ng Kuwait ang pag-atake sa fuel storage ng kanilang international airport. Nagdulot din ng pangamba sa suplay ng enerhiya ang pagbabawas ng produksyon ng langis dahil sa banta sa Strait of Hormuz.
Samantala, patuloy ang palitan ng pag-atake ng Iran at Israel matapos tamaan ang mga pasilidad ng langis sa Tehran at isang hotel sa Beirut na pinaniniwalaang kinaroroonan ng mga komandante ng Quds Force. Ipinagpatuloy naman ng pamahalaan ng Israel sa pamumuno ni Benjamin Netanyahu ang operasyon laban sa Iran kasunod ng pagkamatay ng kanilang pinakamataas na lider na si Ayatollah Ali Khamenei sa mga naunang airstrike.












