-- ADVERTISEMENT --

Nakatakdang magtanghal si James Reid sa isang music festival sa Boracay ngayong Labor Day weekend.

Magsisilbing headliner ang singer-songwriter sa Love Boracay: Wild Water Weekend na gaganapin sa Mayo 1 at Mayo 2 sa Boracay Newcoast.

Ayon sa event schedule, aakyat sa entablado si Reid alas-11 ng gabi sa Mayo 2.

Bukod kay Reid, tampok din sa festival ang iba’t ibang international, national, at local DJs na magbibigay ng musika at kasiyahan sa beachfront venue.

Unang nakilala si Reid matapos manalo sa “Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010” bago pumasok sa larangan ng pag-arte at musika.

-- ADVERTISEMENT --

Kilala rin siya sa mga serye at pelikula, habang patuloy din ang kanyang music career sa pamamagitan ng mga bagong awitin at live performances.