-- ADVERTISEMENT --

Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na hindi kabilang si Leyte 1st District Representative Martin Romualdez sa mga isinasalang-alang na state witness sa imbestigasyon sa flood control anomalies.

Ayon sa DOJ, wala pang aplikasyon na isinumite si Romualdez sa ilalim ng Witness Protection Program, na kinakailangan upang maging state witness.

Tiniyak ng ahensya ang mabilis at patas na proseso ng imbestigasyon at binalaan ang publiko laban sa maling impormasyon.

Samantala, nagpatuloy ang pakikipag-ugnayan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Department of Health at Department of Education, at nakipagpulong rin sa opisyal ng U.S. Embassy.