-- ADVERTISEMENT --

Humingi ng paumanhin si Interior Secretary Jonvic Remulla kaugnay ng nauna niyang pahayag tungkol sa pagbabalik sa bansa ng puganteng dating mambabatas na si Zaldy Co.

Nauna nang sinabi ni Remulla na maaaring maideport si Co pabalik ng Pilipinas sa loob ng isa hanggang tatlong linggo matapos umano itong madetine sa Czech Republic.

Nilinaw ni Remulla na nagkamali siya sa pag-aakalang pareho ang proseso ng repatriation sa Czech Republic at sa Pilipinas. Samantala, kinumpirma ng Department of Justice na wala na sa kustodiya ng mga awtoridad sa Czech Republic si Co.

Si Co ay sangkot sa isyu ng multibilyong pisong flood control scandal at unang napaulat na naaresto matapos makapasok sa Czech Republic nang walang wastong dokumento.