-- ADVERTISEMENT --

Nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa publiko na magsuot ng face mask at limitahan ang paglabas dahil sa lumalalang kalidad ng hangin sa lungsod.

Ayon sa DRRMD, umabot sa “unhealthy for sensitive groups” ang Air Quality Index sa ilang lugar kabilang ang Intramuros, Quiapo, at Santa Ana nitong Sabado ng hapon. Pinayuhan ang mga residente—lalo na ang mga bata, matatanda, buntis, at may sakit—na mag-ingat laban sa epekto ng polusyon.

Pinaniniwalaang sanhi ng paglala ng air quality ang usok mula sa sunog sa Navotas Sanitary Landfill na nakaapekto sa mga kalapit na lugar.