-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan—Sinalubong ng Ati-Atihan tribe at iba pang performances ang pagdating ng pilgrim image ng Our Lady of Guadalupe sa St. John the Baptist Cathedral, Kalibo, Aklan araw ng Linggo.

Sa unang pagkakataon na bumisita sa Pilipinas ang Imahe ng Mahal na Birhen ng Guadalupe mula sa Mexico ay isa ang Diocese of Kalibo sa mapalad na napuntahan nito bilang bahagi ng Our Lady of Guadalupe Philippine Pilgrimage 2026 na nagsimula nitong Agosto 30 hanggang Setyembre 2, 2026.

Sa naging homily ni Rev. Fr. Vernon Justin Zolina, Parish Ministry ng St. John The Baptist Cathedral sa ginanap na welcome mass para sa Mahal na Birhen ng Guadalupe, binigyang diin nito na nawa’y hindi lamang mabighani sa panlabas na kagandahan gaya ng mga nakikita sa paligid kundi maging hudyat sa pagbabago sa sarili at kagandahang loob mula sa pagiging pilgrims to missionaries.  

Unang binisita ng Imahe ang Cathedral Parish of St. John the Baptist sa Kalibo, araw ng Linggo kung saan nagkaroon ng vigil kagabi matapos ang isinagawang foot procession.

Ngayong Lunes, dakong alas-10:00 ng umaga ay ililipat ito sa Parish of Our Lady of Guadalupe sa bayan ng Madalag, bago tumuloy sa Parish of St. Peter the Apostle sa bayan naman ng Ibajay simula Setyembre 1 hanggang 2.

-- ADVERTISEMENT --