-- ADVERTISEMENT --
Ipinauubaya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Independent Commission for Infrastructure ang desisyon kung ipagpapatuloy o tatapusin ang mandato nito, habang hinihintay ng Malacañang ang kumpletong ulat ng komisyon kaugnay ng imbestigasyon sa mga umano’y maanomalyang flood control projects. Nanatiling operational ang ICI habang tinatapos ang trabaho nito, na kinabibilangan ng pagsusuri sa mga kuwestiyonableng infrastructure projects sa nakalipas na 10 taon.
Hanggang Disyembre 26, 2025, nakapagsumite na ang ICI ng walong referral sa Office of the Ombudsman, na nagresulta sa paghahain ng tatlong kaso at pagkakaaresto ng 16 na indibidwal.













