Pilang mga social media influencer, nagagamit sigon sa promosyon it illegal online casino
-- ADVERTISEMENT --

Itinutulak ni Sen. Sherwin Gatchalian ang mas mahigpit na hakbang pampulitika upang pigilan ang mabilis na paglaganap ng ilegal na online gambling, na patuloy na nakahihikayat sa milyun-milyong Pilipino na maadik sa pagsusugal.

Ayon sa isang pahayag, patuloy na dumarami ang mga unlicensed na betting sites na mahirap ganap na mapigilan dahil karamihan ay naka-base sa labas ng bansa. Ipinaliwanag ng Cybercrime Investigation and Coordination Center (CICC) na bagama’t nakapag-block sila ng tinatayang 50,000 online gambling sites, limitado lamang ang kanilang abot sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Bilang tugon sa panukala ng senador, iminungkahi ni CICC Executive Director Renato Paraiso ang pagtatalaga ng mga cyber diplomat at pagpapalawak ng mutual legal assistance treaties (MLATs) upang mas epektibong tugunan ang cybercrimes.

Noong nakaraang taon, naghain si Gatchalian ng Online Gambling Regulatory Act na naglalayong magtatag ng mas istriktong regulasyon sa online gambling sa halip na ganap na pagbabawal na maaaring magtulak sa operasyon sa ilalim ng lupa.