Mabilisang aksyon sa pamamagitan ng agad na pagbibigay ng fuel subsidy sa mga drivers ng pampublikong sasakyan ang kanilang apela sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB), Department of Transportation at iba pang konektadong ahensya ng gobyerno para hindi nila ipapasa sa commuters ang kahirapang dala ng pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo dulot ng tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.
Ito ang hiling ni Bacolod Alliance of Commuters Operators and Drivers Inc. o BACOD-MANIBELA President Rudy Catedral in behalf sa kanyang kaparehong drivers dahil sa nabawasan ang kanilang kita sa araw-araw na pamamasada.
Dagdag pa nito, hindi nila gusto na madagdagan pa ang kahirapan ng mga commuters dahil sa inaasahang domino effect ng pagtaas ng presyo nglangis.
Ayon pa dito, maging sila ay maaapektuhan din sa nagtatangkang pagtaas ng mga pangunahing bilihin rason na agad na ibigay sa kanila ang fuel subsidy para makatulong sa kanilang pang araw-araw napangangailangan.
Nabatid na nag-umpisa na kahapon na araw ng Martes, Hunyo 24 ang staggered oil price hike o unti-unting pagtaas sa persyo ng langis.
Iginiit pa ni Catedral na hindi nila prayoridad ang pagtaas ng pamasahe kundi ang ma-renew ang kanilang mga prangkisa para lehitimo silang bumabyahe.
Nabatid na isa ang grupong Manibela sa sektor ng transportasyon na tumangging magpaconsolidate para magkaroon ng kooperatiba para sa programa ng gobyerno na Public Utility Vehicile Modernization Program o PUMP.