-- ADVERTISEMENT --

Sinibak ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III ang chief of police ng isang lungsod sa Rizal sa inilarawan niyang tamad na paghawak sa isang kaso ng pagnanakaw.

Ito ang inanunsyo ni Torre kasabay ng flag-raising ceremony sa Camp Crame, Lunes ng umaga, Hunyo 30.

Ayon kay Torre, nakatanggap siya ng impormasyon na pinauwi lang ng city police ang isang negosyante matapos itong magsumbong na dalawa sa kanyang mga empleyado ang bigla na lamang nawala kasama ang mga nawawalang halaga ng salapi.

Dagdag pa, sinabi lang umano ng mga awtoridad na ihahanda na lamang nilang ihain ang kaso sa korte.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Torre, kasunod ng pakikipag-ugnayan sa kanila, naaresto ng pulisya sa isang probinsya sa Negros Island Region ang dalawang suspek at narekober ang P500,000 halaga ng nawawalang pera.

Hindi na nagbigay pa ng karagdagang impormasyon si Torre sa pagkakakilanlan ng police chief, businessman at ng dalawang empleyado maging ang kabuuan ng insidente.