-- ADVERTISEMENT --
Isinumite na ng International Criminal Court (ICC) Office of the Prosecutor ang ika-11 na batch ng ebidensiya laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte.
Sa dokumentong may petsang Hulyo 1, ipinakita ng prosecution team ni Duterte ang mahigit sa 1,000 bagong ebidensiya.
Kabilang sa mga ebidensiyang isinumite ay ang mga pagpatay na ginawa umano ng “Davao Death Squad”.
Gayundin ang mga pagpatay sa isang barangay clearance operations noong siya pa ang presidente ng Pilipinas.
Ang nasabing hakbang ay bahagi ng Rules of Procedure and Evidence ng ICC.
-- ADVERTISEMENT --
Si Duterte ay nakakulong sa The Hague, Netherlands at iniimbestigahan kaugnay sa madugong drug war ng kanyang administrasyon.