-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan—Malaki ang naging pasasalamat ng barangay council dahil sa naipatayo na ang Tigayon Hill sign.

Ayon kay punong barangay Gil Morandante ng Barangay Tigayon, Kalibo bago mag eleksyon ay sinimulan na ang phase 1 ng proyekto at ngayon ay muli itong itinuloy.

Ang nasabing istraktura ay makikita kung dumadaan sa Lezo-Tigayon bridge.

Ang proyekto ay may phase 2 pa kung kaya’t asahan na sa oras na matapos ito ay magiging landmark sa lugar.

Matatandaan na ang nasabing ideya na magkaroon ng Tigayon Hill  sign ay unang iminungkahi ni Kalibo SB member Matt Aaron Guzman na sinuportahan naman ni Mayor Juris Sucro.

-- ADVERTISEMENT --

Ang Tigayon Hill ay isa sa mga atraksyon sa bayan ng Kalibo na dinadayo ng maraming tao lalo na kung Semana Santa.