Philippines' Ernest John Obiena prepares to compete in the men's pole vault qualification of the athletics event at the Paris 2024 Olympic Games at Stade de France in Saint-Denis, north of Paris, on August 3, 2024. (Photo by Andrej ISAKOVIC / AFP)
-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang paghahanap ng porma ng Filipino pole vault star na si EJ Obiena matapos siyang magtapos sa ikapitong pwesto sa Monaco Diamond League, araw ng Sabado kung saan muling namayagpag ang world No. 1 na si Armand Duplantis.

Malayo si Obiena sa dating anyo na nagtulak sa kanya upang maging world No. 2 at makapagtala ng personal best na 6.00 metro.

Sa pagkakataong ito, 5.72 metro lamang ang kanyang naitalang lundag na sapat lamang para sa ikapitong puwesto.

Ito na ang ikaapat na pagkakataon ngayong outdoor season na hindi nakapasok si Obiena at kasalukuyang nasa world No. 4 sa podium finish.