-- ADVERTISEMENT --

Niyanig ng magnitude 6.1 ang western Turkey araw ng Linggo, Agosto 10.

Ayon sa AFAD disaster management authority, tumama ang lindol 7:53 ng gabi sa Balikesir province, malapit sa Istanbul.

Dinosenang gusali ang gumuho, kung saan isang tao ang sinasabing naipit sa mga debris.

Sinabi naman ni Interior Minister Ali Yerlikaya na nagsimula nang mag-inspeksyon ang emergency teams mula sa AFAD sa paligid ng Istanbul at mga kalapit na probinsya.

-- ADVERTISEMENT --

Ang lindol na tumama ay may lalim na 11 kilometro.