-- ADVERTISEMENT --

Magsasampa ng kaso ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Office of the Ombudsman laban sa 18 tauhan ng DPWH at ilang kontraktor na sangkot umano sa anomalya sa flood control projects sa Bulacan.

Kabilang sa mga respondent ang ilang opisyal ng Bulacan 1st District Engineering Office at mga opisyal ng Wawao Builders, Syms Construction Trading, at St. Timothy Construction Corp.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, “non-bailable” ang mga kasong ihahain at ito pa lamang ang simula ng mas marami pang reklamong ihahain kaugnay ng malawakang katiwalian sa flood control projects.

Giit ni Dizon, iniutos mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin ang paglilinis sa ahensya, at hindi aniya kakayanin ng district engineer lamang ang katiwalian nang walang kasabwat mula sa mataas na opisyal.

-- ADVERTISEMENT --