Panibag-ong kaso ni ex- Sen. Trillanes vs dating pangueong duterte ag senador Go, gintawag nga “rehashed accusation”
-- ADVERTISEMENT --

Pursigido si dating Senator Antonio Trillanes IV na panagutin sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Christopher Go dahil sa pag-labag ng mga ito sa batas.

Malinaw aniya ang mga dokumento na kanyang hinahawakan kung saan, mula sa pagiging alkalde ni Duterte sa Davao hanggang sa naging presidente ito ay naging malapit na magkaibigan ang dalawa dahilan na nabigyan ng bilyones na halaga ng proyekto ng gobyerno ang pamilya ni Go.

Dagdag pa ni Trillanes na may joint ventures ang pamilya ni Go sa Discaya couple dahilan na hindi malayo na mapabilang ang mga ito sa anomalya ng flood control project na dahilan ngayon nga malawakang korapsyon sa kasaysayan ng bansa.

Iginiit pa ni Trillanes na  kumpleto ang kanyang ebidensiya at dokumento dahilan na malakas ang kanyang loon laban sa dating presidente at kaalyado nito na si Go pati ang kanyang pamilya.

Nabatid na noong Oktobre 21 ay naghain si Trillanes ng kaso laban kina Sen. Go at dating Pangulong Duterte dahil sa bilyones na halaga ng kontrata na napunta sa contracting firm na pagmamay-ari ng pamilya Go.

-- ADVERTISEMENT --