-- ADVERTISEMENT --

Nagsumite ang National Bureau of Investigation (NBI) ng mga karagdagang dokumentong hinihingi ng Interpol bago ang itinakdang deadline noong Pebrero 11 kaugnay ng kahilingan ng pamahalaan na magpalabas ng red notice laban kay dating kongresista Zaldy Co.

Kaugnay ito ng kinahaharap na isyu ng umano’y katiwalian sa mga proyektong flood control kung saan itinuturing si Co bilang pangunahing personalidad. Layunin ng red notice na maalerto ang mga awtoridad sa iba’t ibang bansa upang matunton at maaresto ang dating mambabatas.

Umaasa ang NBI na maaaprubahan ang kanilang kahilingan at patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga katuwang na law enforcement agencies sa Europa, kabilang ang mga awtoridad mula sa Netherlands at United Kingdom, bilang bahagi ng pinaigting na paghahanap kay Co.