-- ADVERTISEMENT --

Isinumite na sa tanggapan ni Speaker Faustino Dy III ang ikaapat na impeachment complaint laban kay Bise Presidente Sara Duterte, ayon sa House of Representatives of the Philippines.

Ang reklamo ay inihain ng abogado na si Nathaniel Cabrera at inendorso nina Deputy Speaker Paolo Ortega at House Committee on Human Rights Chair Bienvenido Abante Jr.. Sa kabuuan, apat na impeachment complaint na ang nakabinbin at naghihintay na maisama sa Order of Business.

May hanggang Marso 2 ang Speaker upang maipasa ang unang dalawang reklamo, alinsunod sa umiiral na mga tuntunin at sa desisyon ng Korte Suprema na nagdeklara bilang labag sa Konstitusyon ang naunang impeachment complaint.

Nakasaad sa ikaapat na reklamo ang mga alegasyon ng pagbabanta sa matataas na opisyal, kabilang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., umano’y maling paggamit ng confidential funds, hindi pagdedeklara ng ari-arian, pang-aabuso sa kapangyarihan at panunuhol.