-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Nanawagan si Kim Sin Tugna, Provincial Coordinator ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN-Aklan), sa publiko na maging mapagbantay at mapanuri sa mga programa ng pamahalaan, partikular sa planong pagtatayo ng 1,600-ektaryang Pax Silica.

Ayon kay Tugna, hindi dapat basta maniwala sa mga pangakong trabaho at pag-unlad ng ekonomiya mula sa Estados Unidos. Nagbabala rin siya sa posibleng epekto ng mga kasunduan sa kalikasan, kabuhayan at karapatan ng mga katutubo.

Dagdag pa ni Tugna, mahalagang magkaroon ang Pilipinas ng sariling pambansang industriya at tutulan ang mga patakarang neoliberal na nagiging dahilan umano ng pagsasapribado at komersiyalisasyon ng mga serbisyong pampubliko.

Binigyang-diin niya na magpapatuloy ang kanilang mga protesta para sa pambansang industriyalisasyon at pananagutan ng pamahalaan.

Pinuri rin niya ang mga estudyante mula sa iba’t ibang pamantasan ng estado na nagsagawa ng kilos-protesta laban sa Pax Silica at pagbisita ni US President Donald Trump sa Pilipinas.

-- ADVERTISEMENT --