-- ADVERTISEMENT --
Mamamahagi ng libreng condom ang Department of Health (DOH) sa publiko bilang bahagi ng paggunita sa World AIDS Day sa Disyembre 1.
Ayon sa DOH, isasagawa ang pamamahagi sa pamamagitan ng mga regional health office, lokal na pamahalaan at mga DOH-certified HIV treatment hub.
Layunin nitong palakasin ang kamalayan ng publiko tungkol sa pag-iwas sa HIV at iba pang sexually transmitted infections (STIs).
Hinimok din ng ahensya ang mga lokal na pamahalaan at pasilidad pangkalusugan na makipag-ugnayan sa kanilang regional health offices upang makahingi ng libreng condom.
Samantala, iniulat ng DOH na patuloy na tumataas ang bilang ng mga bagong natutukoy na kaso ng HIV sa Pilipinas mula 2021 hanggang 2025.
-- ADVERTISEMENT --













