-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan–Malaking karangalan ang dala ng Choreo’N Cream matapos na umabot sa pandaigdigang entablado ng World Supremacy Battlegrounds (WSB) sa Dubai na gaganapin sa Hulyo 12-13, 2025.

Ang grupo ay binubuo ng sampung mananayaw kung saan, ang pagsali ng mga ito sa lokal at pambansang kompetisyon ay isang paraan upang ipakita ang kanilang pagmamahal at dedikasyon  sa sining ng sayaw.

Matapos tahakin at nagtagumpay sa mga regional at national na kompetisyon, hindi lamang ito pangarap para sa kanila kundi isang kwento ng tiyaga at dedikasyon.

Ngunit sa kabila nito, hindi naging madali ang kanilang mga pinagdaanan para lamang makabyahe papuntang Dubai.

Naging malaking hamon sa grupo ang kakulangan sa pondo ngunit lubos rin ang kanilang pasasalamat matapos na tinulungan ang mga ito ng ating mga kababayang Aklanon sa United Arab of Emirates (UAE).

-- ADVERTISEMENT --

Ipinarating din ng grupo ang taos pusong pasasalamat sa mga Aklanon na nag-organisa ng mga event at nagbigay ng tulong pinansyal.