Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of Energy sa umano’y hoarding ng mga produktong petrolyo upang maprotektahan ang publiko laban sa mga indibidwal na sinasamantala ang pangamba sa suplay ng langis dulot ng tensyon sa Middle East.
Natanggap ng ahensya ang mga ulat mula sa mga field office nito sa Luzon at Mindanao tungkol sa mga iregularidad sa suplay at presyo ng gasolina sa ilang lugar.
Babala ng DOE, maaaring patawan ng multa, pagkakakulong, at kumpiskasyon ng produkto ang sinumang mapatunayang lumabag sa Republic Act No. 7581 (Price Act).
Isinusulong din ng pamahalaan, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang whole-of-government approach upang mapanatili ang maayos na suplay at distribusyon ng langis sa bansa.
Hinikayat din ng DOE ang publiko na iulat ang anumang ilegal na gawain na maaaring makaapekto sa suplay ng enerhiya sa bansa.












